IBCTV13
www.ibctv13.com

Sen. Bong Go, walang kinalaman sa illegal na droga at POGO – PDEA

Jerson Robles
135
Views

[post_view_count]

IBC file photo

Naglabas ng opisyal na pahayag ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang linisin ang pangalan ni Senador Bong Go matapos mapasama sa presentasyon ng ahensya sa Quad Committee Hearing noong Nobyembre 27.

Sa nasabing pagdinig, lumabas ang pangalan at larawan ni Senador Go na nagdulot ng pagkalito sa publiko.

Ayon sa PDEA, wala sa kanilang matrix ang nagpapakita na ang senador ay sangkot sa mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) o anumang aktibidad ng iligal na droga.

Nilinaw din ng ahensya na hindi siya itinuturing na incorporator ng anumang kumpanya na may kinalaman sa operasyon ng POGO at hindi siya nakalista sa kanilang drug watchlist.

Sa pahayag, ipinaliwanag ng PDEA na ang presentasyon ay bunga ng pinagsamang impormasyon mula sa mga imbestigasyon ng Senado at Kamara ukol sa iligal na droga at POGOs, kasama ang intelligence data mula sa PDEA at iba pang mapagkakatiwalaang sources.

Ang pinakalayunin ng ahensya ay ibahagi ang lahat ng mahahalagang impormasyon na walang itinatago upang magampanan ang kanilang legal na obligasyon bilang resource agency sa mga pormal na imbestigasyon.

Binigyang-diin ng PDEA na sila ay apolitical at non-partisan sa gitna ng mga umiiral na isyu sa politika sa bansa.

Sa kabila man ng mga kontrobersiya, patuloy ang dedikasyon ng PDEA sa pagsugpo sa mga aktibidad na nagdudulot ng panganib sa lipunan.

Related Articles

National

Divine Paguntalan

39
Views

National

Divine Paguntalan

51
Views

National

Divine Paguntalan

72
Views