IBCTV13
www.ibctv13.com

Sen. Ejercito sa mga botante: ‘Tingnan ang track records more than popularity ng senatorial aspirants’

Ivy Padilla
308
Views

[post_view_count]

Senator JV Ejercito attended the Kapihan sa Senado today, October 9. (Photo Jaybee Santiago, IBC News)

Naniniwala si Senator JV Ejercito na mahalagang kilatisin ng publiko ang track records, integridad at performance ng senatorial aspirants na nagpasa ng kani-kanilang Certificate of Candidacy sa mga nagdaang araw higit sa kanilang kasikatan.

Sa isang press conference sa Senado ngayong Miyerkules, Oktubre 9, ibinahagi niya ang mga aspirant na posible niyang suportahan sa darating na 2025 Local and National Elections.

“Siguro those that I’ve known, those I’ve worked with that I know that have very good track records,” saad ni Ejercito.

Kabilang na sina dating Senate President Vicente “Tito” Sotto at dating senador Ping Lacson, kapwa naghahangad ng senate comeback.

Mananatili namang kontra ang posisyon ni Sen. Ejercito sa political dynasty kung saan binigyang-diin na dapat bigyan ng pagkakataon ang iba pang nais magsilbi sa bayan.

“112 billion tayo marami ring gustong magsilbi dyan, marami ring magaling, mahusay na wala lang makinarya, wala lang pangalan. I always believe in giving chances to others,” dagdag niya. -VC

Related Articles