IBCTV13
www.ibctv13.com

Sen. Go, handang dumalo sa Quad Comm kaugnay ng war on drugs ni FPRRD

Alyssa Luciano
237
Views

[post_view_count]

Former President Rodrigo Duterte and Senator Bong Go sat side by side in a meeting in Malacanang. (Photo by PCO)

Handa si Senator Christopher ‘Bong’ Go na humarap sa pagdinig ng House Quad Committee upang sagutin ang mga katanungan kasunod ng napaulat na koneksyon niya umano sa war on drugs sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Ako naman kung kailangan, bakit hindi? Gusto natin ng katotohanan. Gusto lang natin yung totoo. Gusto kong malaman yung totoo lang po, the truth. Katotohanan lang,” saad ni Go sa isang media interview sa Senado ngayong araw.

Plano ni Go na magsagawa rin ng sariling pagdinig ang Senado bilang bahagi ng interparliamentary courtesy ng Kongreso.

May ibinahagi pa si Go na naging pangako aniya ni FPRDD tungkol sa kampanya nito laban sa iligal na droga.

“2016, ipinangako niya, sabi niya, susugpuin ko ang iligal na droga. Pero wala siyang sinabing patayin mo ito, patayin mo ito. Sabi niya, sugpuin ninyo.”

Sa huling pagdinig ng Kamara sa war on drugs, nadawit sa affidavit ni retired police colonel Royina Garma ang pangalan ni Go kung saan naging bahagi umano ito ng ‘cash reward system’ para sa extrajudicial killing (EJK) ng mga drug suspect.

Pinasinungalingan naman ito ni Go.

“Walang reward system na iniimplementa noon kapalit ang buhay ng sinuman,” pagbibigay-diin niya.

“Wala po akong role. Hindi ko po mandato ang war on drug, operational. I mean yung operations ng War on Drugs. Wala akong kinalaman at hindi ko po mandato yan,” dagdag niya.

Si Go ang nagsilbi bilang Special Assistant to the President (SAP) at Head ng Presidential Management Staff sa pamumuno ni dating Pangulong Duterte. -VC