IBCTV13
www.ibctv13.com

Sen. Pimentel, pangungunahan ang imbestigasyon ng Senado sa ‘War on Drugs’ ni FPRRD

Alyssa Luciano
269
Views

[post_view_count]

Senator Koko Pimentel in a Senate hearing. (Photo by Senate of the Philippines)

Si Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel ang mangunguna para sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa ‘War on Drugs’ na ipinatupad ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kasagsagan ng termino nito.

Sa desisyon ni Senate President Francis Escudero, ipamamahala ang naturang imbestigasyon kay Pimentel na dapat sana ay pamumunuan ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Pia Cayetano.

Ayon kay Escudero, magiging ‘busy’ si Cayetano dahil sa muli nitong pagtakbo sa Senado kaya ipinahawak niya na ang imbestigasyon kay Pimentel.

Nauna nang sinuportahan ni Pimentel ang mga suhestyon na muling buksan ang imbestigasyon ukol sa mga pagpatay na iniuugnay umano sa administrasyon ng dating Pangulo.

“We need to charge those guilty of the crimes, but we also need to know who were negligent and incompetent during the investigation of these crimes,” saad ni Pimentel.

Dagdag niya, kailangan na may managot mula sa ‘War on Drugs’ na pumatay umano sa libu-libong indibidwal.

Inanunsyo na rin ng Philippine National Police ang plano nitong muling imbestigahan ang mga ‘cold case’ na may kinalaman sa local officials na naging target ng drug war.

Una nang nagpaabot ng suporta ang Malacañang ukol dito. – VC

Related Articles

National

39
Views

National

Ivy Padilla

46
Views