IBCTV13
www.ibctv13.com

Sen. Tolentino: May 3 sealanes lamang na pwedeng daanan ng barko, eroplano ng mga dayuhan sa WPS

Krizel Insigne
102
Views

[post_view_count]

File Photo of West Philippine Sea by the Armed Forces of the Philippines

Mas pinaigting na ang pagdepensa ng bansa sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng nilagdaang Philippine Maritime Zones Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes Act.

Sa ilalim ng mga bagong batas, may tatlong (3) itinakdang sealanes lamang na daraanan ang mga dayuhang sasakyang-pandagat at panghimpapawid na maglalayag sa mga karagatan ng Pilipinas, partikular na sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang Balintang Channel, Sibutu at Celebes.

Sa pamamagitan ng tatlong sealanes, mas matitiyak na ang kaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda dahil maiiwasan na ang pagdaan ng malalaking barko sa ibang bahagi ng WPS.

Ang sinumang lumabag sa itinakdang ruta ay papatawan ng parusa ng International Maritime Organization (IMO) at ng International Civil Aviation Organization (ICAO).

Sa ngayon ay inaantay pa ang pag-apruba ng IMO upang kilalanin ang batas maging sa labas ng bansa.

Kasalukuyan namang binubuo ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) ang bagong mapa ng Pilipinas kung saan makikita na ang WPS.

Papangalanan ang boundary ng Pilipinas sa nasabing karagatan bilang ‘Talampas ng Pilipinas’. -VC