IBCTV13
www.ibctv13.com

Shearline, magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon ngayong araw – PAGASA

Divine Paguntalan
250
Views

[post_view_count]

Cold weather in Baguio City. (Photo by Baguio PIO)

Patuloy na umiiral ang Shearline o pagsasalubong ng malamig at mainit na hangin sa bahagi ng Northern Luzon na posibleng magdulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa lugar, batay sa 4:00 a.m. weather forecast ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Huwebes, Nobyembre 28.

Iniulat ng weather bureau na bababa ang axis ng Shearline ngayong araw dahil sa paglakas ng Northeast monsoon o Amihan kung saan magdadala rin ito ng ilang pag-ulan sa silangang bahagi ng Central at Southern Luzon.

Mataas din ang posibilidad ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao at ilang parte ng Visayas bunsod naman ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Asahan ang maaliwalas na panahon sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng bansa maliban nalang sa biglaan at panandaliang buhos ng ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

Pinapaalalahanan ng PAGASA ang publiko na manatiling naka-alerto sa anumang pagbabago sa lagay ng panahon. – IP

Related Articles