IBCTV13
www.ibctv13.com

Simpleng pagdiriwang ng pasko, hinimok ni Pangulong Marcos Jr.

Divine Paguntalan
131
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. during the distribution of food packs and rice for the typhoon-hit victims in Cagayan. (Photo by PNA)

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kawani at empleyado ng pamahalaan na iwasan muna ang magarbong pagdiriwang ng kapaskuhan bilang pakikiisa sa kapwa Pilipinong nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa bansa.

Sa isang media interview nitong Lunes, Nobyembre 18 ay nauna nang nanawagan si Pangulong Marcos Jr. sa publiko na tulungan at magbahagi ng tulong sa mga nasalanta.

“Sana naman pagkadating ng Pasko, tayong mga Pilipino, alalahanin natin ang ating mga kababayan na nasalanta,” mensahe ng Pangulo.

Nilinaw naman ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin na hindi ito sapilitan at walang formal order na ilalabas ang Palasyo dahil malaki ang tiwala ng Pangulo sa pagmamalasakit ng government workers.

“Alinsunod sa panawagan ng ating Pangulo, hinihikayat namin ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na iwasan ang mga marangyang pagdiriwang ngayong Pasko,” bahagi ng pahayag ni Bersamin.

“This call is in solidarity with the millions of our countrymen who continue to grieve over lives, homes, and livelihoods lost during the six typhoons that pummeled us in a span of less than a month,” dagdag niya.

Hinimok din ng pamahalaan ang lahat ng government agencies na mag-donate ng kanilang makakaya para sa mga biktima ng bagyo.

Kaugnay nito, tiniyak ni Bersamin na ‘double time’ ang pagkilos ng pamahalaan para mas mapabilis ang pagbibigay ng mga kinakailangang tulong sa mga higit na naapektuhang komunidad kasabay ng rebuilding efforts. – AL

Related Articles