Inanunsyo ng Malacañang ang nakatakdang state visit ni South Korean President Yoon Suk Yeol sa Pilipinas mula Oktubre 6-7 sa imbitasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kasabay ito ng 75th anniversary ng pagkakatatag ng diplomatic relations ng Pilipinas at Republic of Korea noong March 1949.
Personal na sasalubungin nina Pangulong Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos sina ROK President Yoon at First Lady Kim Keon Hee sa isang seremonya sa Malacañang sa Lunes.
Ilan sa inaasahang pag-uusapan ng dalawang lider ang kooperasyon ng Pilipinas-South Korea sa “political, security and defense, maritime, economic and development fields, people-to-people ties, as well as labor and consular matters.”
“Both sides are also expected to exchange views on regional and international issues, and reaffirm the vibrant and dynamic relations between the two countries,” bahagi ng pahayag ng Malacañang.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon mula noong 2011 na bibisita sa Pilipinas ang Pangulo ng South Korea. — VC