Sa bawat pagsisimula ng bagong termino sa Kongreso, naging tradisyon na ang pamamahagi ng welcome kit ng House of Representatives (HOR) para sa mga bagong halal at nagbabalik na miyembro ng Mababang Kapulungan.
Sa nalalapit na ika-apat na State of the Nation Address (SONA) kasabay ang pagbubukas ng 20th Congress, ang bawat kongresista ay muling makakatanggap ng welcome kit bilang paalala ng integridad, disiplina, at pananagutang kaakibat ng pagiging isang mambabatas.
What’s in your welcome kit, Cong?
SONA Guidebook – isang opisyal na gabay sa detalye ng SONA, kabilang ang daloy ng programa at mahahalagang paalala.
Rules of the House – dokumentong naglalaman ng patakaran, alituntunin, at mga proseso sa loob ng Kamara.
Checklist of Requirements for House Members – listahan ng mga kailangan isumite o ihanda ng bawat miyembro para sa maayos na takbo ng sesyon.
Opisyal na Ballpen at House of Representatives Pin – simbolo ng opisyal na pagkakabilang sa institusyon at pagkilala sa tungkulin bilang lingkod-bayan.
Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy ang pagsusumikap ng Kamara na gawing organisado, makabago, at episyente ang bawat bahagi ng kanilang tungkulin, simula pa lamang sa pagbati sa mga miyembro.
Hindi lamang isang functional kit, ang welcome kit ay sumasalamin sa kahalagahan ng kahandaan at kaalaman sa pagsasabuhay ng serbisyong totoo para sa mamamayan. –VC