Ikinatuwa ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero ang magandang resulta ng kanyang trust and performance rating mula sa Tugon ng Masa (TNM) survey na isinagawa ng OCTA Research para sa ikatlong kwarter ng taon.
Nakakuha si Escudero ng 67% na trust rating at 65% na performance rating.
Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Escudero na ‘snapshot’ lamang ang mga survey sa persepsyon ng taumbayan kung saan maaari itong tumaas o bumaba.
Gayunpaman, malaki pa rin ang pasasalamat ng opisyal sa patuloy na tiwala at suporta sa kanya ng publiko pati na sa Senado.
“We shall always be thankful for the support of our people and will continue to work even harder for our country,” saad ni Senate President Escudero.
Kagaya ni Escudero, maganda rin ang rating ng kasamahang lider sa Kongreso na si House Speaker Martin Romualdez na nakakuha ng 62% na performance rating at 61% na trust rating. -AL