Malugod na tinanggap ni House Speaker Martin Romualdez ang kopya ng Resolution No. 468 na nagdedeklara sa kanya bilang ‘Adopted Son’ ng Camarines Sur nitong Huwebes, Nobyembre 22.
Ito ay bilang pagkilala sa tulong at suporta ni Romualdez sa mga biktima ng Super Typhoon Kristine, gayundin para sa pagsisikap nito na mapaunlad ang nasabing probinsya.
Personal na iniabot ni Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte ang resolusyon sa lider ng Kamara kasabay ng paglulunsad ng Tabang Bicol-Tindog Oragon relief caravan sa Ka Fuerte Sports Complex sa bayan ng Pili.
“Resolved, as it is hereby resolved by the Sangguniang Panlalawigan of Camarines Sur in session assembled, to declare, as it hereby declares, Honorable Congressman Ferdinand Martin Gomez Romualdez, Speaker of the House of Representatives as an Adopted Son of the Province of Camarines Sur,” saad sa resolusyon.
Nakasaad sa nasabing resolusyon na ang titulo ng ‘adopted son and daughter’ ang pinakamataas na pagkilala na ibinibigay ng Provincial Government ng Camarines Sur para sa mga taong nagpakita ng pagmamahal at pagmamalakasakit para sa probinsya.
“The recent humanitarian act of Speaker Romualdez, which touched the lives of the people of Camarines Sur was manifested during the aftermath of Severe Tropical Storm Kristine, which brought great damage to the vast part of the province when he immediately extended assistance intended to the victims of the typhoon,” dagdag sa resolusyon.
Aabot sa higit P850-bilyong halaga ng tulong ang naibigay sa mga nasalanta ng bagyo sa isinagawang Tabang Bicol-Tindog Oragon relief caravan sa mga probinsya ng Catanduanes, Albay, Camarines Norte, at Camarines Sur. – AL