Muling pinagtibay ni House Speaker Martin Romualdez ang matatag na suporta at pagsunod ng Pilipinas sa ‘Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Code of Conduct on West Philippine Sea’ na nakabatay sa United Nations Convention Law of the Sea (UNCLOS).
Ayon kay Romualdez, hindi lamang usaping teritoryo ang WPS kundi patungkol na rin sa ‘national pride’ at pang-ekonomiyang seguridad kung kaya binigyang-halaga niya ang papel ng ASEAN at ang pagsunod sa international law para mapanatili ang payapa at makatarungan na pagresolba sa hindi pagkakaunawaan sa lugar.
“Our stance on these waters is not merely geographical; it represents our national pride, economic security, and the legacy we wish to pass on to future generations. This ruling establishes our rights under international law, affirming them as legitimate and recognized. It refutes any claims beyond the bounds of UNCLOS, safeguarding our sovereign rights within our exclusive economic zone,” pahayag ni Romualdez.
Kaugnay nito, hinikayat niya ang mga kasaping bansa sa ASEAN na magkaisa sa Code of Conduct upang masiguro ang pangmatagalang kapayapaan at kooperasyon sa rehiyon.
“As Speaker, I affirm the legislative branch’s commitment to strengthening maritime security. We are enhancing our coast guard, investing in research, and collaborating with regional allies for a free, open, and stable South China Sea,” pagbibigay-diin pa nito.
Kaugnay nito ay patuloy ang Pilipinas sa pagpapalakas ng seguridad sa WPS gaya ng skills training sa Philippine Coast Guard (PCG) at joint maritime exercise sa mga kaalyadong bansa.
Nanawagan naman si Romualdez sa mga Pilipino na suportahan ang mga hakbangin ng pamahalaan para sa karapatan ng Pilipinas sa WPS.
“From fishermen to legislators, each of us plays a role in safeguarding our legacy. The WPS resources feed millions, support our economy, and are integral to a legacy we must protect for future generations,” mensahe nito. – AL