
Sa kanyang pakikipagkita sa Filipino community sa Busan nitong Huwebes, Oktubre 30, masayang ibinalita ng Pangulo na hindi na nila kailangang umuwi ng Pilipinas upang asikasuhin ang kanilang SSS membership, contributions, at claims.
Bahagi lamang ito ng patuloy na hakbang ng pamahalaan upang ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga Pilipinong nasa ibayong dagat.
Ipinangako ng Pangulo na hindi hahayaang makalimutan ng pamahalaan ang mga OFW.
“My fellow Filipinos, I want to assure you, hindi namin kayo nakakalimutan. We are working hard to make sure government services reach you, all the way here in Korea or wherever you are. Tuloy-tuloy ang ating programa sa OFW para kayo ay protektado at may suporta, at may pagkakataon na makabalik at magtagumpay sa sarili nating bayan,” pahayag ng Pangulo.
Bubuksan ang naturang opisina ng SSS sa Embahada ng Pilipinas sa Seoul.
Ang mga inisyatibong ito ay pagpapahalaga ng administrasyong Marcos sa mga kababayang OFW na patuloy na nagbibigay ng karangalan at lakas sa ekonomiya ng bansa. (Ulat mula kay Eugene Fernandez)











