IBCTV13
www.ibctv13.com

SSS, magpapatupad ng 3 taong dagdag-pensyon simula Setyembre 2025

Hecyl Brojan
284
Views

[post_view_count]

Photos from Social Security System (SSS).

Inanunsyo ng Social Security System (SSS) ngayong Huwebes, Hulyo 31, ang pagpapatupad ng Pension Reform Program (PRP) na magbibigay ng tatlong taong dagdag sa pensyon ng lahat ng pensioner simula Setyembre 2025.

Ito ang kauna-unahang multi-year adjustment sa 68-taong kasaysayan ng ahensya, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos ang konsultasyon kay Finance Secretary at Social Security Commission (SSC) Chairperson Ralph Recto, na inaprubahan sa ilalim ng SSC Resolution No. 340-s.2025.

Sa ilalim ng PRP, tataas ng 10% ang pensyon ng retirement at disability pensioners at 5% para sa death o survivor pensioners simula Setyembre ngayong taon, na ipatutupad sa parehong buwan sa 2026 at 2027 para sa mga kwalipikadong pensioner.

Estimation of the pension increases for sample cases over the three-year implementation period. (Photo from SSS)

Ayon sa SSS, tinatayang 3.8 milyong pensyonado ang makikinabang dito, kabilang ang 2.6 milyon na retirement/disability pensioners at 1.2 milyon na survivor pensioners, nang walang karagdagang kontribusyon mula sa mga miyembro.

Inaasahang magdadala ito ng tinatayang P92.8 bilyon sa ekonomiya mula 2025 hanggang 2027.

Batay sa actuarial studies, mananatiling matatag ang pondo ng SSS kahit bumaba ang fund life mula 2053 tungo sa 2049, na target maibalik sa 2053 sa pamamagitan ng pagpapalawak ng coverage at mas epektibong koleksyon. –VC