IBCTV13
www.ibctv13.com

STY Leon, papalayo na sa Batanes, inaasahang mag-landfall sa Taiwan mamayang hapon

Ivy Padilla
380
Views

[post_view_count]

Satellite image of Super Typhoon Leon based on the 8:00 a.m. update of PAGASA today, October 31. (Photo by PAGASA)

Napanatili ng Super Typhoon (STY) Leon ang lakas nito habang kumikilos papalayo sa probinsya ng Batanes batay sa 8:00 a.m. forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Huwebes, Oktubre 31.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 110 kilometro mula sa North Northeast ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas ng hangin malapit sa gitna na 195 km/h at pagbugsong umaabot sa 240 km/h.

Kasalukuyang nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 ang buong probinsya ng Batanes.

Ayon sa PAGASA, kumikilos papalayo sa Batanes ang bagyo na ngayon ay patungo na sa Taiwan kung saan inaasahang magla-landfall ito mamayang hapon.

Nakikita naman na hihina sa typhoon category ang ST Leon sa susunod na 12 oras bago ang inaasahang pag-landfall sa naturang bansa.

Inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Leon mamayang gabi o bukas ng umaga, Nobyembre 1.

Samantala, hindi rin inaalis ang posibilidad na magkaroon ito ng pangalawang landfall sa mainland China.

Patuloy naman na hinihikayat ang publiko na maging handa at alerto sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. -AL

Related Articles

National

Ivy Padilla

68
Views

National

Ivy Padilla

71
Views