
Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakamit ng Pilipinas ang isang mahalagang milestone sa ekonomiya matapos umabot sa P4.6 trilyon ang naitalang strategic investment sa bansa as of February 2025.
Sa ginanap na Gawad Bayanihan sa Pamumuhunan Milestone Event sa Malacañang nitong Huwebes, Marso 13, ibinida ng lider na na-certify na ang 187 strategic investment sa iba’t ibang sektor kabilang ang energy, digital infrastructure, food security, at manufacturing.
“The goal is simple: less red tape, more action, more results, more success, more quickly. We want investments to come in, projects to break ground faster, [and] jobs to reach our people sooner. Because when businesses move quickly, progress follows just as fast,” saad ni Pangulong Marcos Jr.
Binanggit ng lider na inaasahang lilikha ng humigit-kumulang 300,000 trabaho para sa mga Pilipino ang dagsa ng pamumuhunan sa bansa.
Nagpasalamat naman ang Pangulo sa mga miyembro ng Investments Facilitation Network, gayundin sa pambansa at mga lokal na ahensya para sa kanilang patuloy na dedikasyon na maging isang magandang destinasyon ng pamumuhunan ang Pilipinas.
“You have helped build an environment where businesses can succeed and, in turn, where our people can lead better and more dignified lives,” ani Pangulong Marcos Jr. – AL