IBCTV13
www.ibctv13.com

STS Kristine, palabas na ng PAR, pinangangambahang bumalik sa Linggo o Lunes

Ivy Padilla
1034
Views

[post_view_count]

Tropical Cyclone bulletin release by PAGASA as of 11:00 a.m. today, October 25. (Photo by PAGASA)

Palabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Severe Tropical Storm Kristine mamayang hapon o gabi, batay sa 11:00 a.m. forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Huling namataan ang bagyo sa layong 255 kilometro West Northwest ng Bacnotan, La Union o West Southwest ng Sinait, Ilocos Sur.

Kumikilos ito sa bilis na 15 km/h taglay ang lakas ng hangin na nasa 95 km/h at pagbugsong umaabot hanggang 115 km/h.

Batay sa developing forecast situation ng PAGASA, tutumbukin ni Kristine ang direksyong westward patungong West Philippine Sea hanggang bukas, Oktubre 26.

Dito ay may tsansang mag-U-turn o bumalik ang bagyo sa PAR sa pagitan ng Linggo o Lunes.

Paglilinaw ng weather bureau, nakadepende pa ito sa lagay ng Tropical Depression (TD) na binabantayan sa labas ng PAR na nasa layong 2,245 kilometro silangan ng Eastern Visayas.

Sa ngayon, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa malaking bahagi ng Luzon habang nananatili sa ilalim ng Signal No. 1 ang natitirang bahagi ng Luzon at ilang parte ng Visayas.




Patuloy hinihikayat ang publiko na maging alerto sa anumang posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. -VC

Related Articles