IBCTV13
www.ibctv13.com

STS Pepito, lalakas pa bilang Typhoon ngayong araw; Bagyong Ofel, lalabas na sa PAR mamayang hapon

Ivy Padilla
247
Views

[post_view_count]

Satellite image of STS Pepito and Typhoon Ofel in the PAR as of 4:40 a.m. today, November 15. (Photo by PAGASA)

Mas lumakas pa ang Severe Tropical Storm Pepito (Man-Yi) na posibleng itaas sa kategoryang ‘Typhoon’ sa susunod na 12 oras batay sa 5:00 a.m. forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Biyernes, Nobyembre 15.

Huling namataan ang sentro ng bagyong ito sa layong 795 kilometro silangan Guiuan, Eastern Samar, taglay ang lakas ng hangin malapit sa gitna na 110 km/h at pagbugsong umaabot hanggang 135 km/h.

Kasalukuyang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa malaking bahagi ng Luzon at ilang lugar sa Visayas.



Posibleng maglandfall o tumama sa eastern coast ng Central o Southern Luzon ang bagyong Pepito ngayong Sabado o Linggo kung saan inaasahan din na lalakas pa ito sa kategoryang ‘Super Typhoon’ bukas ng gabi, Nobyembre 16.

Inaasahang lalabas ang nasabing bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) pagsapit ng Lunes ng hapon o gabi, Nobyembre 18.

Samantala, patuloy namang humihina ang Typhoon Ofel na huling namataan sa layong 100 kilometro Northwest ng Calayan, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na nasa 120 km/h at pagbugsong umaabot sa 150 km/h.

Ayon sa PAGASA, inaasahang lalabas na sa PAR ang bagyong Ofel mamayang hapon.

Kahit pa lumabas sa PAR region, mananatiling nakataas ang TCWS sa ilang lugar sa Extreme Northern Luzon.

Sa ngayon, nakasailalim pa rin sa Signal No. 3 ang ilang bahagi ng Babuyan Islands, Cagayan, at Ilocos Norte habang ang ilang lugar sa Northern Luzon ay nananatili pa rin sa TCWS No. 2 at 1 bunsod ng bagyo.



Hinihikayat naman ng PAGASA ang publiko na maging alerto sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. – AL

Related Articles

National

49
Views

National

Ivy Padilla

48
Views