IBCTV13
www.ibctv13.com

STY Pepito, posibleng mag-landall sa bahagi ng Quezon o Aurora ngayong araw – PAGASA

Ivy Padilla
1395
Views

[post_view_count]

Satellite image of Super Typhoon Pepito as of 7:30 a.m. today, November 17. (Photo by PAGASA)

Napanatili ng Super Typhoon Pepito (Man-Yi) ang lakas nito na ngayon ay nasa silangang karagtaan ng Quezon batay sa 8:00 a.m. weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Linggo, Nobyembre 17.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa coastal water ng Vinzons, Camarines Norte, taglay ang lakas ng hangin malapit sa gitna na 185 km/h at pagbugsong umaabot hanggang 255 km/h.

Nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 5 sa eastern portion ng Polilio Islands at Calaguas Island habang nakasailalim sa Signal No. 4, 3, 2 at 1 ang malaking bahagi ng Luzon at Visayas.

Inaasahang muling magla-landfall o tatama sa kalupaan ng northern Quezon o central o southern Aurora ang bagyong Pepito mamayang tanghali o hapon.

Nakikitang hihina ito bilang isang severe tropical storm habang binabagtas ang mainland Luzon at higit pang hihina pagdating sa West Philippine Sea.

Patuloy na kikilos sa direksyong northwestward ang bagyo hanggang sa lumabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng umaga o hapon, Nobyembre 18.

Hinihikayat ang publiko na maging alerto at handa sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon.

Related Articles

National

Office of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

85
Views

National

Divine Paguntalan

87
Views