IBCTV13
www.ibctv13.com

Substandard flood control projects sa Caloocan, ininspeksyon ni Cong. Egay

Veronica Corral
146
Views

[post_view_count]

A day before All Saints’ Day, Caloocan 2nd District Representative Egay Erice inspected the alleged ₱99-million canal project in Grace Park, South Caloocan, which he deemed unnecessary since the area is not prone to flooding.

Muling nag-inspeksyon si Caloocan 2nd District Representative Erice Egay sa mga flood control project sa lungsod kabilang ang mga substandard o hindi naman umano kailangan.

Naabutan ng kongresista ang nagkalat at mga nakatiwang-wang na malalaking butas sa gitna ng kalsada sa Grace Park sa South Caloocan na tinatayang nagkakahalaga ng P100 million.

Ayon kay Erice, isa lang ito sa aniya’y mga palpak na proyektong naipasok o naipagawa noong termino ng pinalitan niyang si dating Cong. Mitch Cajayon-Uy.

Kabilang si Cajayon-Uy sa mga unang pinakakasuhan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil sa umano’y pangki-kick-back sa flood control projects.

Giit ni Erice, maraming kalye sa Caloocan ang pinagawan ng imprastraktura para sa flood control ng nagdaang pamunuan kahit hindi naman kailangan at walang masterplan.

Ayon sa mga residente sa Grace Park, hindi kailanman bumaha sa kanilang lugar kahit noong tumama ang bagyong Ondoy.

Sa rekumendasyon ng ICI, nakasaad na may P411 million na budget insertion para sa infrastructure projects ang nanggaling kay dating Congresswoman Cajayon-Uy. Ayon sa ICI, 10% ang hiningi umano ng dating kongresista bilang komisyon.

Sa pag-inspeksyon pa ni Rep. Erice, napag-alam niyang halos tatlong bilyong piso sa loob ng tatlong-taong termino ni Cajayon-Uy ang umano’y inilaan para lang sa infrastructure projects sa ikalawang distrito ng Caloocan.

“Nakita ko talaga maraming palpak, bilyon, [at] mahirap hanapin. Hindi ko sinasabing ghost projects pero past months pinipilit kong hanapin isa-isa…[pero] hindi makakatulong [sa halip ay] makakasama pa sa baha,” dagdag ni Erice.

Ani Erice, direkta na niyang dinulog at ipinapaubaya kay Department of Public Works and Higwhays Secretary Vince Dizon ang mga nasita niyang flood control projects at karamihan sa mga ito ay terminated at ipapare-bid na.

Matatandaang sa isang pahayag, nanindigan si Cajayon-Uy na hindi siya sangkot sa anomalya ng flood control projects at matapat na nagserbisyo para sa nasasakupan niyang distrito. (Ulat mula kay Earl Tobias)

Related Articles

National

Veronica Corral

108
Views

National

Veronica Corral

177
Views