IBCTV13
www.ibctv13.com

Suspensyon ng mga klase sa paaralan tuwing may bagyo, mas maaga na! – DILG

Divine Paguntalan
154
Views

[post_view_count]

DILG Secretary Jonvic Remulla joined the IACC meeting with the Office of Civil Defense on the preparations and response to recent and ongoing Typhoons. (Photo by OCD)

Ipinangako ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang mas maaga na pag-aanunsyo ng suspensyon ng mga klase sa paaralan tuwing may kalamidad sa bansa kasunod ng pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa direktiba ng Pangulo, pinapayagan na ang DILG na maunang mag-anunsyo ng class suspension kapag nararanasan ang tuluy-tuloy na masamang panahon kahit wala pang inilalabas na pahayag ang Office of the President.

Ibinahagi ni Remulla na ipapatupad niya rin sa ahensya ang ginawang sistema ng pagsususpinde ng pasok sa trabaho at paaralan noong Gobernador pa lamang siya ng Cavite kung saan isang araw bago pa man tumama ang bagyo.

Nais din niya na mas paigtingin pa ang pag-uulat tungkol sa ‘amount of rainfall’ ng bawat dumaraan na bagyo, bukod pa sa detalye ng track at lakas ng hangin na dala nito, upang mapaghandaan ng publiko lalo na sa mga lugar na madalas makaranas ng mataas na pagbaha.

“So, lahat ng information gina-gather namin. And we make a predictive model and the rain forecast model. Dati kasi ang ginagamit lang path and wind. Ngayon pati ang rain forecast sinasama,” paliwanag ni Remulla. – VC