Sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong Setyembre 14-23, lumalabas na nangunguna pa rin ang ACT-CIS Partylist Representative at senatorial aspirant na si Erwin Tulfo sa napupusuan ng taumbayan para maging senador sa 2025 midterm elections kung saan nakakuha ito ng 54%.
Sinundan naman ito ng dating senador na si Tito Sotto na nakakuha ng 34%, Senator Pia Cayetano (31%), dating Pangulong Rodrigo Duterte (25%), at Sen. Imee Marcos (25%).
Pasok din sa pulso ng masa sina Ping Lacson (24%), Bong Revilla (24%), Camille Villar (21%), Abigail Binay (20%), Lito Lapid (20%), Manny Pacquiao (18%), Bato Dela Rosa (18%), Bong Go (18%), at Francis Tolentino (17%).
Matatandaan nitong Martes, Oktubre 1, binuksan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa mga nais kumandidato para sa local at national midterm elections.
As of October 2, ang mga naghain na ng kanilang COC ay sina Imee Marcos, Francis Tolentino at Lito Lapid, Ping Lacson at Tito Sotto.
Magtatagal naman ang filing ng COC hanggang sa susunod na Martes, Oktubre 8. — AL