IBCTV13
www.ibctv13.com

Taal Volcano, nagbuga ng makapal na usok ngayong umaga

Ivy Padilla
363
Views

[post_view_count]

Taal volcano was seen emitting steam at 7:25 a.m. today, October 9. (Screengrab from MDRRMC Talisay, Batangas live stream)

Naglabas ng makapal na usok ang Taal Volcano bandang 7:25 a.m. ngayong Miyerkules, Oktubre 9, batay sa nakunan ng livestream ng bulkan mula sa bayan ng Talisay, Batangas.

Sa 24 oras na pagmamanman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala rin sa bulkan ang dalawang (2) ‘volcanic earthquakes’.

Naglabas din ito ng 1267 toneladang sulfur dioxide flux o asupre bukod pa sa 900 metrong taas ng abo na napadpad sa kanluran-hilagang kanluran.

Ipinagbabawal pa rin ng PHIVOLCS ang pagpasok sa Taal Volcano Island habang patuloy ang babala sa mga residente na malapit sa danger zone na mag-ingat sa posibleng steam o gas-driven explosions at volcanic gas mula sa bulkan.

Nananatiling nakataas sa Alert Level 1 ang bulkang Taal. -VC

Related Articles