IBCTV13
www.ibctv13.com

TD Kristine, lalakas pa bilang isang tropical storm sa susunod na 12 oras

Alyssa Luciano
4106
Views

[post_view_count]

Photo by Faye Rosales, IBC-13

Inaasahang mas lalakas pa bilang isang tropical storm ang Bagyong Kristine sa susunod na 12 oras, at posibleng mag-intensify bilang severe tropical storm bukas ng tanghali o gabi.

As of 12:00 a.m. pumasok na sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Kristine, batay sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Lunes, Oktubre 21.

Ayon sa PAGASA, huli itong namataan sa layong 1,050 km mula sa silangan ng Southeastern Luzon.

Taglay nito ang hanging may lakas na 55 kilometer per hour at pagbugsong aabot sa 70 km/h habang kumikilos patungong west southwest sa bilis na 30 km/h.

Itinaas na sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 ang ilang bahagi ng Pilipinas, partikular na sa Luzon at Visayas.

Mararanasan din ang epekto ng bagyong Kristine sa Bicol Region, Eastern Visayas, at Quezon kung saan posible itong makaranas ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan.

Ang trough naman ng naturang bagyo ang magdadala ng bahagyang maulap na kalangitan na may kasamang pabugsu-bugsong ulan sa iba pang bahagi ng bansa.

Nagtaas na rin ng Yellow Warning Level sa Laguna at Quezon para sa posibleng pagbaha dahil sa malalakas na pag-ulan.

Sa ngayon, ilang lokal na pamahalaan na ang nagsuspinde ng klase sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Related Articles