IBCTV13
www.ibctv13.com

Tiwala ng mga Pilipino kay PBBM, muling tumaas – survey

Divine Paguntalan
195
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. visited the families in Tanza National High School Evacuation Center to personally check their situations after Habagat and typhoon Emong hit the country. (Photo from PCO)

Tumaas ang tiwala at performance ratings na ibinigay ng mga Pilipino kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. batay sa pinakabagong Tugon Ng Masa survey ng OCTA Research na isinagawa mula Hulyo 12-17.

Batay sa datos, umakyat sa 64% ang trust rating ng Pangulo—mas mataas ng apat na puntos kumpara sa nakaraang quarter.

Nananatili naman sa positibong antas ang kanyang performance rating na tumaas ng tatlong puntos o katumbas ng 62%.

Ayon sa TNM, ang sabayang pagtaas ng tiwala at suporta sa Pangulo ay indikasyon ng muling tumitibay na kumpiyansa ng publiko sa kanyang pamumuno.

Kasabay nito, maganda rin ang antas ng tiwala ng mga Pilipino para kay House Speaker Martin Romualdez na tumaas ng tatlong percentage points kung saan naabot ang 57% habang apat na percentage points ang nadagdag sa kanyang performance rating o katumbas ng 59%.

Samantala, nakitaan naman ng pagbaba ang parehong trust at performance ratings ni Vice President Sara Duterte na nasa 54% at 50%.

Bahagya ring bumaba ang trust rating ni Senate President Chiz Escudero sa 51% at performance sa 49% ngunit nakitaan ng pagtaas ng suporta mula sa Mindanao.