IBCTV13
www.ibctv13.com

Trabaho, pamumuhunan, ekonomiya, mas lalago pa sa tulong ng pinirmahang CREATE MORE Act – PBBM

Alyssa Luciano
251
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. signed the CREATE MORE Act into law this Monday, November 11. (Photo by PPA Pool)

Isinabatas na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act ngayong Lunes, isang batas na magsusulong ng mas maraming trabahong nakalaan para sa mga Pilipino kasabay ng pagpapalago pa sa ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr. isang hakbang para sa Pilipinas ang CREATE MORE Act para mas mapalakas pa ang sektor ng negosyo habang pinalalakas din ang ekonomiya ng Pilipinas.

“By building on the reforms initiated through the CREATE Act, we have enhanced our tax regime [and] incentive framework, and making it more inviting for investment—while remaining steadfast in the principles of fiscal prudence and stability,” saad ng Pangulo.

Sa tulong ng batas, inaasahan din na mas darami pa ang pamumuhunan na papasok sa bansa mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

“CREATE MORE clarifies the rules of availment of VAT and duty incentives, and further extends its coverage to include non-registered exporters and high-value domestic market enterprises,” paliwanag pa ng Pangulo.

Bukod dito ay mabibigyan din ng linaw ang local taxation mula sa Income Tax Holiday at Enhanced Deductions Regime na inaasahang makapagbibigay ng maayos na sistema sa mga lokal na buwis at titiyak sa seguridad ng mga negosyo.

Sa bisa rin ng CREATE MORE Act ay mas tumaas ang investment capital approval threshold para sa Investment Promotion Agencies mula P1 billion patungong P15 billion.

Pinalawak na rin ang Enhanced Deductions Regime na magbibigay ng tax relief sa mga registered business enterprises (RBEs).

Sa ilalim din nito ay magkakaroon ng tax o duty exemption ang mga donasyon ng ‘capital equipment, raw materials, spare parts, accessories to the government’, pati na ang Government owned and controlled corporations (GOCCs), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), State Universities and Colleges (SUCs), at ang Department of Education (DepEd) o mga paaralang accredited ng Commission on Higher Education (CHED). – VC