IBCTV13
www.ibctv13.com

TRB sa publiko: Bumiyahe na habang maluwag ang trapiko sa NLEX, SLEX

Ivy Padilla
125
Views

[post_view_count]

File photo of North Luzon Expressway (Photo by Alyssa Marie Luciano, IBC News)
Nanawagan ang Toll Regulatory Board (TRB) sa mga nagbabalak lumuwas sa Metro Manila ngayong long-weekend na bumiyahe na hangga’t maluwag pa ang North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX).

Iniulat ng TRB na hindi nangyari ang inaasahang dagsa ng mga sasakyan o ‘vehicular exodus’ ngayong umaga, Nobyembre 1.

“The NLEX and SLEX are not crowded. Vehicular traffic is unusually low. People with plans of going of Metro Manila should take this opportunity to leave now,” saad ni TRB Spokesman Julius Corpuz.

Karamihan sa mga pasahero ang bumiyahe na ng maaga dahil sa masamang lagay ng panahon o di kaya’y pinili na lamang manatili sa Metro Manila.

Tiniyak naman ng opisyal ang kaligtasan ng mga motorista kung saan sinabi nitong may mga naka-deploy na Quick Response Teams sa mga nabanggit na expressways.