IBCTV13
www.ibctv13.com

Tropical Storm sa labas ng PAR, pumasok na sa bansa; tinawag na bagyong Leon

Ivy Padilla
3579
Views

[post_view_count]

Satellite image of Tropical Storm Leon inside the PAR as of 5:00 a.m. today, October 28. (Photo by PAGASA)

Tuluyan nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm na may international name na Kong-Rey bandang 7:30 p.m. nitong Sabado, Oktubre 26, na ngayon ay tatawaging bagyong Leon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA). 

As of 5:00 a.m. ngayong Linggo, Oktubre 27, huling mataan ang mata ng bagyo sa layong 1,195 kilometro silangan ng Central Luzon na kumikilos patungong kanluran sa bilis na 20 km/h. 

Taglay nito ang lakas ng hangin malapit sa gitna na 65 km/h at pagbugsong umaabot hanggang 80 km/h. 

Inaasahang unti-unting lalakas si Leon sa susunod na 24 oras at posibleng maging severe storm category bukas ng umaga, Oktubre 28. 

Pagsapit naman ng Lunes ng gabi o Martes ng umaga (Oktubre 28-29), inaasahang lalakas pa sa typhoon category ang bagyo. 

Samantala, lumabas na rin sa Tropical Cyclone Information Domain (TCID) si Severe Tropical Storm Trami o dating bagyong Kristine as of 2:00 a.m. ngayong araw. 

Patuloy ang paghihikayat ng PAGASA sa publiko na maging handa at alerto sa anumang posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. 

Related Articles