IBCTV13
www.ibctv13.com

Trump, opisyal nang nanumpa bilang Pangulo ng Estados Unidos

Divine Paguntalan
363
Views

[post_view_count]

Inauguration of Republican Donald Trump as the 47th President of the United States of America on January 20, 2025. (Photo from VOA)

Opisyal nang nanumpa bilang ika-47 Pangulo ng Estados Unidos si Donald Trump ngayong Martes, Enero 21 (PST).

Ito ang ikalawang pagkakataon na manunungkulan bilang si Trump bilang Pangulo ng bansa matapos ang una nitong panunungkulan noong 2017 hanggang 2021.

Sa kanyang panunumpa, ipinangako ng Republican President ang pagbabago sa mga patakaran sa U.S. kabilang na ang malawakang deportation sa milyun-milyong undocumented migrants pabalik sa kanilang pinanggalingang bansa.

“I return to the presidency confident and optimistic that we are at the start of a thrilling new era of national success. A tide of change is sweeping the country,” mensahe ni Trump.

“My message to Americans today is that it is time for us to once again act with courage, vigor and the vitality of history’s greatest civilization… We will forge a society that is fair and merit based,” dagdag niya.

Binigyang-diin din ni Trump ang mabilisang pagpapatupad ng ilang polisiya laban sa drug cartels mula sa Mexico.

Bagaman hindi niya tinukoy ang mga detalyeng hakbang laban dito, tiniyak niya sa American citizens na muling isasaayos sa ilalim ng kanyang pamamahala ang mga sistema ng imigrasyon sa Amerika.

Matatandaang nanalo si Trump sa ginanap na US elections noong Nobyembre 5, 2024 kung saan nakakuha ito ng 312 electoral votes na mas mataas sa 226 electoral votes na natanggap ng dating US Vice President na si Kamala Harris. – AL

Related Articles

International

Divine Paguntalan

312
Views

International

Divine Paguntalan

230
Views

International

Ivy Padilla

1078
Views