IBCTV13
www.ibctv13.com

Trust, satisfaction rating ni PBBM, muling tumaas – survey

Alyssa Luciano
410
Views

[post_view_count]

Residents of Sorsogon formed the word ‘PBBM’ with their bodies during the Kasanggayahan Festival. (Photo by PCO)

Nananatiling malaki ang tiwala at masaya ang mga Pilipino sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. batay sa lumabas na datos sa pinakabagong survey ng polling company na Tangere para sa buwan ng Oktubre.

Pumalo sa 59.3% ang bilang ng mga Pilipinong tiwala sa pamumuno ni Pangulong Marcos Jr.

Mas mataas ito kung ikukumpara sa dating nakuha ng Pangulo na 58.80% trust rating noong Setyembre.

Tumaas din ang satisfaction rating ni Pangulong Marcos Jr. mula sa 46.40% patungo sa 46.9%.

Kapansin-pansin naman ang naging pagbaba sa trust rating ni Vice President Sara Duterte mula 56.70% noong Setyembre ay bumaba sa 56.0% ngayong buwan.

Nakitaan din ng pagbaba ang satisfaction rating ng Pangalawang Pangulo mula 48.70% ngayon ay naging 48.0%.

Pareho naman nagsitaasan ang trust at satisfaction rating ng iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan na sina House Speaker Martin Romualdez (57%, 46.8%), Chief Justice Alexander Gesmundo (43%, 39.1%), at Senate President Chiz Escudero (61%, 52%).

Isinagawa ang naturang survey simula Oktubre 16-19 sa tulong ng 2,000 mga respondente. – VC

Related Articles