Inaasahang lalakas pa ang Tropical Storm Leon dahil nasa dagat pa at maaaring maging ganap na Severe Tropical Storm ngayong araw, Oktubre 28 o sa loob ng 24 oras, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Huling namataan ang bagyo sa layong 840 km/h silangan ng Central Luzon at may lakas ng hangin sa gitna na 85km/h at pagbugso na 105km/h batay sa 5:00 a.m. weather forecast ng PAGASA.
Kumikilos ang bagyong Leon sa direksyon patungong kanluran at may bilis na 10 km/h.
Ayon pa sa weather bureau, posibleng lumapit ang bagyo sa kalupaan ng Batanes sa araw ng Miyerkules o Huwebes at maaaring mag landfall sa Taiwan pagdating ng Biyernes.
Narito naman ang mga lugar sa bansa na nakataas ang Tropic Cyclone Wind Signal as of 5:00 a.m.:
Samantala, maaaring maranasan ang mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa mga lugar sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao dahil sa trough o extension ng TS Leon.
Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na manatiling naka-alerto sa anumang pagbabago sa lagay ng panahon.