IBCTV13
www.ibctv13.com

TS Ofel, inaasahang tatama sa Northern o Central Luzon sa Huwebes

Divine Paguntalan
322
Views

[post_view_count]

Satellite image of Severe Tropical Storm Nika and Tropical Storm Ofel based on the 11:00 a.m. weather update of PAGASA on November 12, 2024. (Photo by PAGASA)

Bahagya pang lumakas ang Tropical Storm Ofel habang binabagtas ang Philippine Sea at papalapit na sa kalupaan ng bansa, batay sa 11:00 a.m. weather update ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa weather bureau, posibleng mag-landfall ang bagyo sa bahagi ng Northern o Central Luzon sa Huwebes ng tanghali o gabi, Nobyembre 14.

Huling namataan ang TS Ofel sa layong 950 km silangan ng Southeastern Luzon, taglay ang lakas ng hangin malapit sa gitna na 85 km/h at pagbugso na 105 km/h.

Sa track and intensity outlook ng PAGASA, nakikitang lalakas pa ang bagyong Ofel sa susunod na tatlong araw at posible nang itaas sa Typhoon category bukas, Nobyembre 13.

Samantala, inaasahang lalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang Severe Tropical Storm (STS) Nika mamayang hapon ngunit nananatili pa rin na nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na probinsya sa Luzon:

Pinapayuhan ang lahat na manatiling nakaalerto sa anumang pagbabago sa lagay ng panahon. – VC

Related Articles