IBCTV13
www.ibctv13.com

TS Ofel, nakapasok na sa PAR; STS Nika, inaasahang lalabas na ngayong araw

Divine Paguntalan
423
Views

[post_view_count]

Satellite image of STS Nika, TS Ofel and TS “Man-Yi” based on the 5:00 a.m. weather update of PAGASA on November 12, 2024. (Screengrab from PAGASA)

Tuluyan nang nakapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang Tropical Storm Ofel na huling namataan sa layong 1,170 kilometers mula sa silangan ng Southeastern Luzon, batay sa 5:00 a.m. weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Martes, Nobyembre 12.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwestward sa bilis na 25 kilometer per hour (km/h) habang taglay ang lakas ng hangin na malapit sa gitna na 75 km/h at pagbugso na umaabot sa 90 km/h.

Bagaman wala pang direktang epekto sa bansa ay mahigpit na itong pinaghahandaan ng weather bureau at ng buong pamahalaan dahil sa inaasahang paglakas nito hanggang sa Typhoon category pagdating ng Miyerkules.

Malaki rin ang posibilidad na mag-landfall ang bagyo sa bahagi ng Northern o Central Luzon sa Huwebes ng hapon o gabi, Nobyembre 14.

Samantala, inaasahan naman na susunod na 12 oras ay lalabas na ng PAR ang Severe Tropical Storm (STS) Nika na patuloy na nagpapaulan sa Northern Luzon dahil sa rainbands nito.

Huli itong namataan sa layong 185 km mula sa kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte na may lakas ng hangin malapit sa gitna na 95 km/h at pagbugso na 115 km/h.

Narito ang ilang lugar sa Northern Luzon na nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS):

Binabantayan din ng PAGASA sa monitoring domain nito ang isa pang Tropical Storm na may international name na “Man-Yi” sa labas ng PAR. – AL

Related Articles

National

Ivy Padilla

35
Views

National

Office of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

108
Views