IBCTV13
www.ibctv13.com

Tulong na naihatid ng DSWD sa mga nasalanta ng bagyong Kristine, Leon, umabot na sa P713.1-M

Divine Paguntalan
745
Views

[post_view_count]

DSWD Field Office 5 crossed the river to distribute assistance to families affected by STS kristine in Guinobatan, Albay on October 24,2024. (Photo by DSWD)

Pumalo na sa P713.1 milyong halaga ng iba’t ibang assistance ang naihatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pamilyang nasalanta ng nagdaang bagyong Kristine at Leon.

Kabilang sa mga tulong na naipamahagi ng kagawaran ay ang family food packs (FFPs), iba pang food items, family kits, tents, hygiene kits, sleeping kits, laminated sacks at iba pang non-food items.

Iniulat din ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Undersecretary Ariel Nepomuceno na nagbigay rin ng humanitarian assistance na nagkakahalaga ng P525,000 ang DSWD sa ilang munisipalidad sa CALABARZON at Cordillera Administrative Region (CAR).

Tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong ng concerned agencies ng pamahalaan at local government units (LGUs) para sa mga liblib na komunidad na higit din naapektuhan ng mga bagyo lalo na sa rehiyon ng Bicol.

Samantala, iniulat din ng NDRRMC na nasa kabuuang P4.5-milyong halaga ng medical at public health, tubig, sanitation at hygiene pati Nutrition in Emergencies (NIE) ang ipinagkaloob ng Department of Health (DOH) sa National Capital Region (NCR), Cagayan Valley, CALABARZON at Bicol Region.