IBCTV13
www.ibctv13.com

Tulong ng Malaysia, Singapore sa Pilipinas dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine, ipinagpasalamat ng pamahalaan

Alyssa Luciano
635
Views

[post_view_count]

DND Secretary welcomes Malaysian authorities as the foreign country sends its air assets to the country. (Photo by PNA)

Nagpasalamat ang Department of National Defense (DND) at Office of Civil Defense (OCD) sa tulong na natanggap nito mula sa pamahalaan ng Malaysia at Singapore sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Kristine sa bansa nitong nakaraang linggo.

Mabilis na nagpadala ang Malaysia at Singapore ng kanilang mga air asset na nakatulong sa pamahalaan para maihatid sa mga Pilipinong apektado ng Kristine ang kinakailangang humanitarian at recovery efforts.

Dumating sa bansa ang C-130 aircraft ng Singaporean Armed Forces nitong Sabado, Oktubre 26 na ayon kay DND Secretary Gibo Teodoro ay malaking tulong sa pagsasagawa ng relief operations ng ahensya.

Ayon kay Singapore Defense Attaché Colonel Ja-Jin-Dren Mariapan, tugon ito ng kanilang bansa sa kahilingan ng pamahalaan ng Pilipinas at bilang tanda na rin ng matatag na bilateral at defense ties ng dalawang bansa.

Nagpadala rin ng Eurocopter EC275 military transport aircraft ang Malaysia bandang 2:39 p.m. na ipinresenta mismo ni Malaysian Ambassador to the Philippines Abdul Malik Kelvin kay Teodoro bilang tanda naman ng pangako nitong tumulong sa bansa sa oras ng pangangailangan.

“The arrival of air assets from both Singapore and Malaysia is a significant boost to our relief operations. This assistance is crucial for the fast delivery of relief goods to those in need, particularly for communities still submerged in water. Time is of the essence, and we are immensely grateful for the support from our ASEAN neighbors during this critical period,” saad ng kalihim.

Nangako na rin ang Brunei, Indonesia, at Taiwan na magpapadala sila ng air assets na tutulong sa relief effort ng Pilipinas. – VC

Related Articles