IBCTV13
www.ibctv13.com

Tulong para sa seafood industry sa Cagayan, tiniyak ni PBBM

Ivy Padilla
174
Views

[post_view_count]

Typhoon Marce destroyed the Buguey North Central School in Cagayan. (Photo by LGU Buguey/SK Fed Arn Pagador)

Nangako si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tutulungan ng pamahalaan ang seafood industry sa Cagayan na napinsala ng nagdaang bagyong Marce. 

“Not so much crops, pero ‘yung fisheries ninyo [ang naapektuhan].  Dahil crab capital kayo ng Pilipinas, maraming naghahanapbuhay diyan sa ganyang klaseng negosyo. So, we have to do everything that we can para i-restore kaagad ‘yan,” saad ng Pangulo. 

Isa ang bayan ng Buguey sa Cagayan sa higit napinsala ng bagyo kung saan ginaganap ang taunang Crab Festival kada buwan ng Oktubre. 

Ayon sa punong ehekutibo, agad na tutulungan ng Department of Agriculture (DA) ang mga naapektuhang mangingisda at magsasaka kapag nakumpleto na ang ginagawang damage assessment sa probinsya. 

Tiniyak din ni Pangulong Marcos Jr. ang ‘whole-of-government approach’ sa iba pang tulong sa mga apektadong residente. 

Gaya ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga nawalan ng hanapbuhay.

“Itong TUPAD na ito ay kaunting tulong para naman makabalik kayo sa inyong hanapbuhay,” saad ng Pangulo. 

Kaagapay din ang Department of Education (DepEd) sa gagawing rehabilitasyon ng mga nasirang paaralan habang hindi naman titigil ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagsasaayos ng iba pang imprastrakturang naapektuhan. -VC