IBCTV13
www.ibctv13.com

Typhoon Nika, lumakas pa; panibagong bagyo, posibleng pumasok sa PAR bukas

Alyssa Luciano
313
Views

[post_view_count]

Satellite image of Typhoon Nika as of 5:00 a.m. this Monday, November 11. (Photo by PAGASA)

Mas lumakas ang Typhoon Nika na nagpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon habang papalapit ito sa boundary ng Isabela at Aurora, as of 8:00 a.m. ngayong Lunes, Nobyembre 11.

Batay sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), huli itong namataan sa coastal waters ng DIlasag, Aurora at patuloy kumikilos sa direksyong West Northwest sa bilis na 15 kilometer per hour (km/h).

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 130 km/h at pagbusong may lakas na 180 km/h.

Dahil dito ay itinaas na rin sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) Number 4 sa malaking bahagi ng Luzon, at nakataas din ang TCWS No. 3, 2, at 1 sa ilan pang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, posible nang mag-landfall ang Typhoon Nika sa Northern Aurora ngayong Lunes ng umaga.

Suspendido na rin ang klase sa maraming paaralan sa bansa dahil sa epektong dala nito.

Samantala, isa nang Tropical Depression ang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) na inaasahang papasok sa bansa bukas, Nobyembre 12 at papangalanan bilang bagyong Ofel.

Huling namataan ang bagyong ito sa layong 1,710 km mula sa silangan ng Eastern Visayas.

Pumasok na rin sa monitoring domain ng PAGASA ang isa pang Tropical Storm na may layong 3,575 km mula sa silangan ng Central Luzon.

Inaasahan naman ang paglabas ng bagyong Nika mula sa PAR bukas ng umaga o hapon, Nobyembre 12.