Inaasahang lalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang Typhoon Pepito ngayong umaga o mamayang tanghali, Nobyembre 18, batay sa 5:00 a.m. weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 145 kilometro (km) kanluran ng Sinait, Ilocos Sur taglay ang hangin malapit sa gitna na 130 kilometer/hour (km/h) at pagbugso na umaabot hanggang 160 km/h habang kumikilos pa rin sa direksyon patungong northwestward sa bilis na 30 km/h.
Bagaman nasa parte na ng West Philippine Sea ang bagyong Pepito, asahan pa rin ang mga pag-ulan na may kasamang malakas at pabugsu-bugsong hangin sa malaking bahagi ng Northern Luzon gayundin sa ilang probinsya sa Central Luzon dahil sa rainbands ng bagyo.
Kasalukuyang nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) sa ilang lugar sa Luzon:
Kasabay nito, nagpaalala rin ang PAGASA na iwasan muna ang water activities sa mga lugar ng La Union, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Pangasinan, Isabela, Zambales at Aurora dahil mayroon pa ring moderate to high risk storm surge sa mga nasabing probinsya.
Patuloy na pinag-iingat ng weather bureau ang publiko at manatiling naka-alerto sa anumang pagbabago sa takbo ng panahon. – AL