IBCTV13
www.ibctv13.com

Typhoon Pepito, lubhang mapangib; posibleng lumakas pa bilang Super Typhoon – PAGASA

Ivy Padilla
498
Views

[post_view_count]


Satellite image of Typhoon Pepito as of 11:00 a.m. today, November 15. (Photo by PAGASA)

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa publiko kaugnay sa dalang panganib ng Typhoon Pepito sa susunod na 24 oras.

“The next 24 hours are critical. Pepito moves really fast at 30 kph. Lubhang mapanganib ito,” saad ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando sa isang briefing ngayong ngayong Biyernes, Nobyembre 15.

As of 11:00 a.m., huling namataan ang bagyo sa layong 630 kilometro mula sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Kumikilos ito sa direksyong westward sa bilis na 30 km/h, taglay ang lakas ng hangin na nasa 130 km/h at pagbugsong aabot sa 160 km/h.

“It is forecast to further intensify as goes nearer the landmass. Torrential rains could result in floods, landslides and storm surge,” saad ni Servando.

Ayon kay Servando, posibleng maapektuhan ni Typhoon Pepito ang Eastern Visayas, Bicol Region Central Luzon at Quezon.

Sa parehong briefing, sinabi ni PAGASA forecaster Glaiza Esculiar na posibleng mag-landfall sa Catanduanes ang nasabing bagyo ngayong darating na Sabado o Linggo.

Gayunpaman, binigyang-diin nito na kailangan pa ring maghanda ng Samar provinces, Bicol Region, MIMAROPA at bahagi ng Central Luzon sa epekto ng bagyo.

Kasalukuyang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa ilang bahagi ng Visayas habang nakasailalim naman sa TCWS No. 1 sa ilang mga bahagi ng Luzon at Visayas.

Patuloy na pinag-iingat ang publiko sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. – AL

Related Articles

National

Ivy Padilla

83
Views