IBCTV13
www.ibctv13.com

U.S. muling pinagtibay ang pakikipag-ugnayan sa Pilipinas

Hecyl Brojan
113
Views

[post_view_count]

U.S Department of Defense Secretary Pete Hegseth meets President Ferdinand Marcos Jr. at the Malacañang Palace on Friday, March 28.

Pinagtibay ni United States Defense Secretary Pete Hegseth ang patuloy na suporta ng administrasyon ni U.S President Donald Trump sa mga ugnayan nito sa Pilipinas sa isang courtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang ngayong araw, Marso 28.

Sentro ng kanilang pagpupulong ang pagpapaigting pa ng alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ayon kay Hegseth, nananatiling tapat si U.S. Pres. Trump sa nagpapatuloy na relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa.

“President Trump thinks very fondly of this great country and is very committed to the alliance that we have, to the friendship that we have, and to the cooperation that we have,” saad ni Hegseth.

Bilang bahagi ng kanyang pagbisita, nakiisa si Hegseth sa isang pisikal na pagsasanay kasama ang mga sundalong Pilipino.

Nagkaroon din siya ng pagpupulong kasama ang mga matataas na opisyal ng militar kung saan tinalakay ang mga estratehiya upang palakasin ang iba’t ibang kooperasyon sa depensa at mapanatili ang kapayapaan sa Indo-Pacific region sa harap ng patuloy na banta mula sa China.

“Peace through strength is a very real thing. Deterrence is necessary around the world, but specifically in this region, in your country, considering the threats from Communist Chinese and that friends need to stand shoulder-to-shoulder to deter conflict, to ensure that there’s free navigation,” pahayag niya.

Ang Pilipinas ang una sa mga bansa na binisita ni Hegseth na sumasalamin sa pagpapahalaga ng Trump administration sa ugnayan ng Pilipinas-US. – VC

Related Articles