
Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagpapalakas ng alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos sa pagpapanatili ng kapayapaan sa West Philippine Sea gayundin sa mas malawak na Indo-Pacific region.
Sa isang bilateral meeting kasama si United States Secretary of Defense Pete Hegseth sa Pentagon, sinabi ng Pangulo na ang matibay na ugnayang militar ng dalawang bansa ay patunay ng pangmatagalang kooperasyon para sa seguridad.
Ipinunto ng Pangulo na mas kinakailangan ito ngayon sa gitna ng pabagu-bagong geopolitical dynamics.
“I believe that our alliance, the United States and the Philippines, had formed a great part in terms of preserving the peace, in terms of preserving the stability of the South China Sea. But I would even go as far as to say in the entire Indo-Pacific region,” saad ng Pangulo.
Pinuri at pinasalamatan din ng punong ehekutibo ang suporta ng Estados Unidos sa bansa sa pamamagitan ng mga joint military exercise at patuloy na modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Samantala, nabanggit ng Pangulo ang naunang pagbisita ni Hegseth sa Maynila noong Marso na aniya’y sumisimbolo sa matibay na ugnayan ng dalawang bansa sa ilalim ng Mutual Defense Treaty.
“We must continue to be in discussion. We must continue to evolve that relationship as the circumstances, the context in which we operate has evolved,” dagdag niya. – VC