IBCTV13
www.ibctv13.com

Ugnayang PH-US, pinagtibay nina PBBM, US VP Harris

Jerson Robles
79
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr., in a phone call with United States Vice President Kamala Harris on Tuesday, January 14, 2025. (Photo from Bongbong Marcos)

Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapapanatili ang matibay na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa kabila ng nalalapit na pagbabago sa liderato ng U.S.

Sa isang ‘telephone call’ kasama si outgoing US Vice President Kamala Harris nitong Martes, Enero 14, binigyang-diin ng Pangulo ang mga makabuluhang hakbang na nakamit sa bilateral relations ng Pilipinas-US partikular sa larangan ng ekonomiya, diplomasya, at seguridad.

“As typical with the relationship between the Philippines and the US, it’s on every level, in every facet: on the economic level, on the diplomatic level, and defense and security,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr.

Pinagtibay naman ni US Vice President Harris ang suporta para sa depensa ng Pilipinas lalo sa isyu sa South China Sea.

“Indeed, and I will tell you from my first visit to Manila and our first conversation, it is extremely important to me and to the United States that we reaffirm the commitment to the defense of the Philippines including the South China Sea,” saad ni Harris.

Kinilala din ni US Vice President Harris ang kahalagahan ng trilateral na ugnayan kasama ang Japan upang mas mapalakas ang seguridad sa rehiyon.

“As we discussed with (US) President (Joe) Biden on Sunday, the trilateral cooperation with Japan is a very important way to deepen our economic cooperation and build secured supply chains as well as promote security across the region,” ani Harris.

Binalikan naman ni Pangulong Marcos Jr. ang napag-usapan sa kamakailang trilateral meeting kasama sina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Ishiba Shigeru nitong Lunes, Enero 13, kabilang na ang pagpapatibay sa nagkakaisang posisyon sa kinahaharap na isyu sa West Philippine Sea.

Sa huli, nagpasalamat si Pangulong Marcos Jr. kay US Vice President Harris para sa kanyang suporta at inanyayahan na muling bumisita sa Pilipinas.

Nakatakdang isagawa ang inagurasyon ni US President-Elect Donald Trump sa Enero 20. – VC

Related Articles

National

Divine Paguntalan

68
Views

National

Divine Paguntalan

117
Views