IBCTV13
www.ibctv13.com

Umano’y data breach sa database ng PCSO, ‘fake news’ lamang

Hecyl Brojan
129
Views

[post_view_count]

Pinabulaanan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga ulat ng umano’y data breach sa kanilang sistema na tinawag na “fake clickbait news.”

Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, walang naganap na data breach o hacking sa anumang official site o database ng ahensya,

“This is fake news. There was no breach nor any successful attempt to hack the system of PCSO,” paglilinaw ni Robles.

Sinabi rin niyang posibleng pakana ito ng ilang grupo na nais sirain ang kredibilidad ng PCSO.

Aniya, ang mga screenshot na ipinakita ng sinasabing hackers ay tila listahan lamang ng mga indibidwal na lumahok sa isang promo sa Cagayan noong Marso 22 at hindi impormasyon ng mga lotto winners.

“Relax, Valentine’s Day ngayon, huwag nating hayaang masira ito ng pekeng balita,” paalala pa nito sa publiko.

Tiniyak naman ng PCSO na ligtas at protektado ang kanilang sistema, at walang natanggap na ulat ng anumang kompromiso sa kanilang data. – AL