IBCTV13
www.ibctv13.com

‘Unauthorized transfers’ ng GCash, iniimbestigahan na ng BSP

Alyssa Luciano
128
Views

[post_view_count]

Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na iniimbestigahan na ang nangyaring ‘unauthorized transfers’ sa mga gumagamit ng e-wallet application na GCash kamakailan.

Inatasan na ng BSP ang operator ng application na G-Xchange, Inc. (GXI) na agad tugunan ang mga insidente ng unauthorized transfer mula sa account ng users at tapusin na ang refund para sa kanila sa lalong madaling panahon.

Kinakailangan din magbigay ng GXI ng regular updates para sa mga hakbang na isasagawa nito kaugnay sa isyu.

Systems error ang itinuturo ng GXI na naging sanhi ng insidente ngunit tiniyak na nananatiling ligtas ang mga account ng users. Nagsagawa na rin ng pagre-refund ang kumpanya sa mga nabawasan ng balanse.

Tiniyak naman ng BSP na magsasagawa rin ito ng karagdagang imbestigasyon upang matukoy ang posibleng problema sa sistema ng naturang e-wallet pati na rin ang pagsunod nito sa mga regulasyon at patakaran.

Payo ng BSP sa mga apektadong user, makipag-ugnayan sa GXI upang mabilis na maaksyunan ang kanilang mga reklamo.

Maaari naman ilapit sa pamahalaan ang mga reklamo ng GCash users sa BSP Online Buddy (BOB) sa Facebook messenger o kaya sa www.bsp.gov.ph. – VC

Related Articles