IBCTV13
www.ibctv13.com

‘Unity and compassion,’ panawagan ni Speaker Romualdez ngayong Undas

Ivy Padilla
181
Views

[post_view_count]

File photo of House Speaker Ferdinand Martin Romualdez (Photo by House of the Representatives)
Nanawagan si House Speaker Martin Romualdez sa mga Pilipino na patatagin ang pagkakaisa at pagdadamayan sa isa’t isa bilang pagpapakita ng paggalang at respeto sa mga santo at namayapang mahal sa buhay ngayong All Saints’ Day at All Souls’ Day.

“As we come together on this sacred occasion of All Saints’ Day and All Souls’ Day, let us pause to honor the saints and the loved ones who have touched our lives, those whose spirit and memory continue to inspire us long after they have gone,” mensahe ni Romualdez.

Binigyang-diin ng lider ng Kamara na ang bawat alay na kandila at dasal ngayon sa mga namayapa ay pag-alala sa kanilang naging buhay sa mundo.

“Let us carry their legacy forward, embracing their kindness and unity, and let us be beacons of hope for each other. In their memory, let us lift one another and create a stronger, more compassionate Philippines,” dagdag ni Romualdez.

Hinikayat din niya ang bawat isa na gamitin ang mga iniwang alaala ng mga namayapang mahal sa buhay bilang lakas lalo na sa hinaharap.

“May the light of those we honor today guide our every step, and may we, as one people, continue their legacy of love, faith, and resilience,” saad ni Romualdez.

“Mabuhay po tayong lahat, at nawa’y magbigay-lakas ang alaala ng ating mga mahal sa buhay upang tayo’y magpatuloy nang may pag-asa at pagkakaisa,” dagdag nito. -VC

Related Articles