Isa ang isyu sa South China Sea sa tiyak na tatalakayin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pagdalo sa 44th and 45th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits and Related Summits sa Vientiane, Laos mula Oktubre 8-11.
“The President will continue to defend the Philippine sovereignty and sovereign rights and jurisdiction, in accordance with international law, including the 1982 UNCLOS and the 2016 arbitral award,” saad ni Department of Foreign Affairs (DFA) Office of ASEAN Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu.
Positibo naman ang pamahalaan na maaabot na ang konklusyon para sa binding ng Code of Conduct (COC) sa SCS kung saan binigyang-diin ni Espiritu ang binubuong bagong COC ng Pilipinas katuwang ang iba pang miyembro ng ASEAN sa nakalipas na 20 taon.
Dagdag ni Espiritu, suportado ng iba pang mga miyembro ng ASEAN ang payapang pagtugon sa tensyon sa rehiyon.
“In spite of that, the ASEAN member-states have always been committed to a peaceful settlement of disputes in the South China Sea, especially within the ambit of UNCLOS,” saad niya.
Maliban sa China at Pilipinas, may iba pang mga ‘littoral state’ o mga kalapit na lugar na umaangkin sa bahaging katubigan kung saan halos 80% nito ang inaangkin ng Beijing bilang sariling teritoryo. -VC