IBCTV13
www.ibctv13.com

Valenzuela rider, wagi ng P19.5-M jackpot sa Lotto 6/42

Divine Paguntalan
152
Views

[post_view_count]

A TNVS rider from Valenzuela won the P19.4 million jackpot prize of Lotto 6/42 draw on January 11, 2025. (Photo from PCSO)

Isang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) rider mula sa Valenzuela City ang instant milyonaryo matapos tamaan ang P19,489,253.80 na jackpot prize sa Lotto 6/42 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Enero 11, 2025.

Ang winning combination na nagdala ng swerte sa rider ay 09 – 38 – 23 – 12 – 32 – 29.

Kwento ng maswerteng mananaya, dalawang taon na siyang regular na tumataya sa lotto ngunit ginagawa niya lamang ito kapag may extra kita mula sa biyahe.

“Tumataya po ako kapag may extra kita at malakas po ang biyahe,” ani rider.

Ayon sa kanya, gagamitin niya ang napanalunang pera sa pagpapagawa ng bahay at sa pagpapaaral ng kanyang anak na noo’y mga simpleng pangarap lang ngunit ngayon ay abot-kamay na.

“Wala naman pong masamang sumubok sa lotto. Sa kagaya ko pong isang Angkas driver na naghahangad lang na guminhawa ang buhay, huwag nyo pong susukuan ang inyong mga pangarap. Samahan nyo lang po ng sipag at dasal para pagkalooban,” mensahe ng rider.

Samantala, mahigpit na tinitiyak ng PCSO ang seguridad ng mga lotto winner.

Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:

– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)

– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)

– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)

– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)

– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)

Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – VC

Related Articles

Feature

Hecyl Brojan

135
Views

Feature

Hecyl Brojan

472
Views