IBCTV13
www.ibctv13.com

Voters registration, sinuspinde ng COMELEC sa mga lugar na apektado ng bagyong Tino

Veronica Corral
75
Views

[post_view_count]

IBC file photo of Comelec Chair George Garcia.

Pansamantalang sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) ang voters’ registration sa mga lugar sa bansa na apektado ng pananalasa ng bagyong Tino.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, suspendido ang pagpaparehistro sa buong Region 8 kung saan kasalukuyang ginagawa ang pag-iimbentaryo at inspeksyon sa natamong pinsala mula sa bagyo.

Agad ibabalik ang voters’ registration sa oras na ideklara sa main Comelec office ng apektadong local office na ligtas na mula sa banta ng kalamidad ang kanilang lugar.

Inanunsyo naman ng poll body na umabot na sa 240,000 ang mga kababayan nating nagparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa susunod na taon.

Kumpiyansa ang komisyon na maaabot nito ang target na 1.4 million na bagong botante sa bansa sa pagtatapos ng voters’ registration sa Mayo 2026.

BARMM Parliamentary Elections

Samantala, naniniwala si Chair Garcia na bago matapos ang Nobyembre ay makakapagpasa na ng bagong batas ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) patungkol sa redistricting sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) upang matuloy na ang kauna-unahang Parliamentary Elections na nakatakda sa Marso 2026.

Aminado naman si Garcia na posibleng magkulang na sa oras para sa paghahanda ang komisyon lalo’t target nitong buksan ang Certificate of Candidacy filing sa Enero 2026 at masimulan naman ang printing ng balota para sa BARMM sa Pebrero 2026.

Sakaling kulangin sa oras ang Comelec, posibleng mauwi ang halalan sa manual elections sa halip na automated elections na siyang nakasaad sa batas.

“‘Yun ang worst case scenario pero wala pa tayo sa worst case scenario [kaya] automated pa rin ang election. In fact, for your information, minarapat na namin kausapin ang mga contractors na may hangarin tayo na mag-renew ng kontrata sa kanila,” pahayag ni Garcia. (Ulat mula kay Patricia Lopez)

Related Articles

National

Christopher Lloyd Caliwan, Philippine News Agency

150
Views

NationalNews

Veronica Corral

94
Views

National

Darryl John Esguerra, Philippine News Agency

157
Views