IBCTV13
www.ibctv13.com

Wala pang ulat ng Pilipinong nasaktan sa 7.7 magnitude na tumama sa Myanmar, Thailand – PH embassies

Ivy Padilla
172
Views

[post_view_count]

Aftermath of the 7.7-magnitude earthquake that hit Sagaing in central Myanmar on Friday afternoon, March 28. (Screengrab from Anadolu)

Wala pang natatanggap na ulat ang Embahada ng Pilipinas sa Yagon, Myanmar at Bangkok, Thailand kaugnay sa mga Pilipinong nasaktan o naapektuhan mula sa tumamang magnitude 7.7 na lindol sa Sagaing, Central Myanmar nitong Biyernes ng hapon, Marso 28. 

“The Embassy is closely monitoring developments and reports that there are currently no reports of damage or casualties,” saad ng embahada sa Yagon. 

“As of this time, there have been no reports of Filipinos harmed or affected by the earthquake,” pahayag naman ng embahada sa Bangkok. 

Tinatayang nasa 811 registered Filipino nationals ang naninirahan at nagtatrabaho sa Myanmar habang may kabuuang 32,950 Pinoy sa Thailand. 

Sa ngayon ay wala pang tiyak na bilang ng mga nasawi mula sa dalawang bansa kasunod ng malakas at mapinsalang lindol. 

Inabisuhan na ng Embahada ng Pilipinas ang mga Pilipino na maging alerto at humingi ng tulong sa mga hotlines kung kinakailangan.

Thailand: +66 81 989 7116/bangkok.pe@dfa.gov.ph
Myanmar: +95 998 521 0991 

– VC

Related Articles

National

Eugene Fernandez

111
Views

National

Eugene Fernandez

120
Views

National

120
Views