IBCTV13
www.ibctv13.com

Water impounding, pinag-aaralan bilang solusyon sa baha, irigasyon sa Bicol Region

Divine Paguntalan
394
Views

[post_view_count]

Sample water impounding facility in San Jose City, Nueva Ecija. (Photo by SJC Nueva Ecija)

Pinag-aaralan ngayon ang pagtatayo ng malalaking water impounding facilities sa Bicol Region upang maibsan ang pagbaha tuwing may kalamidad.

Ito ang panukala na inihain ni Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co kung saan bukod sa solusyon sa pagbaha ay maaari rin itong magamit sa irigasyon tuwing tag-init na magbibigay ng malaking kontribusyon para mapagtibay ang food production at food security sa bansa.

Inihalintulad naman ni Co ang proyektong ito sa six-storey water impounding structure sa Bonifacio Global City (BGC) na nakatutulong sa pagsalo ng ulan para hindi bumaha sa siyudad.

Inihayag din ni Co ang naganap na pagpupulong kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH) upang pag-usapan ang planong tunnel system sa kabundukan ng Bicol na layong magsilbi bilang ‘flush system’ na magdadala sa baha patungo sa dagat. – VC

Related Articles